Qoute of the Day

You're not your job. You're not how much money you have in the bank. You're not the car you drive. You're not the contents of your wallet. You're not your fucking khakis. You're the all-singing, all-dancing crap of the world.

-Tyler Durden, Fight Club

Visitors are welcome!

Saturday, March 17, 2012

Huling post...

Tuluyan ko ng binura at nilipat sa kabila kong blog ang mga naka-post dito.
Tae, hiyang-hiya ako sa mga post ko dito. Lol. 'Yung iba hindi ko maalalang naging ganon ang takbo ng utak ko.  hahahaha!

Hindi ko naman isasara itong blog na 'to, dahil naka-save pa rin dito 'yung mga na-post ko dati. Patutulugin ko lang ng panghabang-buhay...

Kung 'sing tibay ng bato ang iyong utak at kinakaya ang mga pinagsususulat ko, ako ay pwede mong sundan sa link na nasa ibaba. Kung ako nga ay iyong susundan, maraming salamat! XD

http://sitastalker.blogspot.com/?zx=1144b06d12fa083f

Maraming Salamat!

Tuesday, December 21, 2010

Filipino...Filipiney...yay~

Haha, obviously wala akong magawa kaya eto ako at naghahasik ng lagim sa blogger.
Na-trippan kong mag-blog ngayon dahil wala lang, kelangan ba ng rason sa lahat ng gagawin ko?


Tungkol kasi ito sa wika natin. Yep. Filipino.
Naisip ko lang, bakit parang ang baba ng tingin sa wikang Filipino?
Wait, teka lang, hindi ako makabayan or something kaya ko nasasabi ito. Wala lang, napapansin ko lang kasi sa maraming tao 'yun. Well, siguro palusot ko lang ito dahil hindi ako magaling sa English.


Bakit kelangan naka-English?
Para mas pormal daw.
Bakit itinuturing na hindi pormal kapag nakasaad ito sa wikang Filipino?
Dahil mahirap...kung pormal na wikang Filipino kasi kelangan malalalim na salita ang gamitin. Mahirap.
Bakit mahirap? English nga pinag-aaralan ng husto kahit dumugo na ang ilong, bakit ang wikang Filipino, hindi?


It's just so unfair.
Hindi na ito makatarungan!
--Ito ay hinaing ng nilalang na mahina sa wikang Ingles! Yeah~


Haha, hindi ko alam kung seseryosohin itong sinabi ko o hindi, ewan. Basta.
Hindi ko na rin ito pahahabain dahil gusto ko lang namang mag-labas ng hinaing. Oo, hindi ako magaling sa wikang Filipino. Hindi rin ako magaling sa wikang English. Pero may karapatan pa rin naman akong magreklamo. Dun lang naman ako magaling eh. Haha!
Bakit nga?! Paki-sagot na lang akiz eh? Feel free to comment!
Ciao!

Saturday, November 27, 2010

Ang kagilagilalas na paglalakbay papuntang aiport

This is my mom. We are in our FX and headed to the airport. (Yeah! English!)

When we arrived at the airport.
Naloloka ang mudra ko dahil sabi niya ngayon lang daw niya susunduit ang Pudrebels ko na naka-ganyang attire. Tinanong ka kung bakit. Nakalimutan ko na yung sagot.

Ang daming nagbago sa NAIA. Dati bawal kang pumasok sa waiting area(?) kelangan muna magbayad tas tatatakan ka ng something. Parang sa Star City. Pero ngayon, gora na lang!

Ang aking mama(sosyal ang pagbasa) habang kino-contact si papa (sosyal din).

Hala, hindi sinasagot ni papa!

Nalungkot si Mudra!

Nag-emo na rin ang baboy kong kapatid!

Tenenen! But to our surprise! Naka-dating na pala si Ama! Andyan na siya!
A heart-warming reunion! XD

Excited sa pasalubong oh. Lalo na yung mukha ni Hammed-pangit.
Yay! Mission Complete! Sabi ko kasi, pipicturan ko silang dalawa.
Tada! My Mother and Father.


Wala lang. Pinost ko lang to kasi gusto ko mag-blog. Char~